HINILING kay President Benigno Aquino III at Health Secretary Enrique Ona na gawing maagang pamasko sa mga sanggol at batang Pilipino ang pagbabawal ng isang nakakalasong kemikal na ginagamit sa paggawa ng feeding bottles.
Ayon sa mga humiling, ang Save Babies Coalition at Eco-Waste Coalition, dapat nang ipagbawal ng Philippine government ang pagbebenta ng infant bottles na may industrial chemical na tinatawag na Bisphenol-A o BPA.
Noong isang lingo, nagdeklara ng regional ban ang European Commission sa polycarbonate plastic infant bottles na may BPA. Ang ban ay ipapatupad ng 27 miyembro ng EU sa March 2011.
“We applaud EU’s region-wide ban on BPA-laced baby bottles and call upon the Aquino government to do the same in the greater interest of safeguarding our kids’ health,” ani Aileen Lucero ng EcoWaste Coalition’s Project PROTECT o People Responding and Organizing against Toxic Chemical Threats.
“May the ban on BPA be PNoy’s and Sec. Ona’s early Christmas gift to our babies and children, our future, who are most susceptible to toxic harm,” ani Ines Fernandez ng Save Babies Coalition.
Ang BPA ay isang organic compound na ginagamit sa paggawa ng polycarbonate plastic at epoxy resins.
Ang mga produktong karaniwang gawa sa polycarbonate plastic na may BPA ay baby at water bottles; sports equipment; medical and dental devices; dental fillings; eyeglass lenses; CDs at DVDs; at household electronics.
Ang coatings naman ng mga food at beverage can ay kadalasang ginagamitan ng epoxy resin na may kahalong BPA.
Taon-taon, tinatayang may eight billion pounds ang ginagamit na BPA sa paggawa ng iba’t ibang produkto ng manufacturing industries sa buong mundo. Ang Canada ang unang nagdeklara nitong Setyembre na ang BPA bilang toxic substance.
Samantala, hiniling din ng dalawang koalisyon kay Aquino na i-ban ang mga food packaging na may BPA.
“Some companies have already switched to non-BPA linings for their products, so it’s possible to get BPA out of food packaging,” anang dalawang grupo.
Ayon sa EU-based Health and Environmental Alliance, dapat na i-ban ang paggamit ng lahat ng food packagings sa mga infants under three years old. Anito, ang ban ay dapat ding i-extend lalo na sa mga kababaihang nagdadalang tao.
Habang wala pang ban dito, dapat na iwasan ng mga consumer ang paggamit ng mga packaging na gawa sa polycarbonate plastic containers na kadalasang may markang “PC” or number “7,” ayon sa dalawang grupo.
Mas makabubuti ikang gumamit ng mga packaging na gawa sa glass, ceramics, o stainless steel upang mapangalagaan ang kalusugan.
2 comments:
Nice info, I am very thankful to you for sharing this important knowledge. This information is helpful for everyone. Read more info about Buy Girls Leggings Online Wholesale. So please always share this kind of information. Thanks.
Thanks for your post. It's very helpful post for us. You can also visit Portable Baby Bottles Washer Singapore for more Victor Steel related information. I would like to thanks for sharing this article here.
Post a Comment