Hiniling kay Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III ng mga lokal na
opisyal sa isla ng Sibuyan sa Romblon na huwag payagan ang mining
operation sa lugar upang maprotektahan ang kalikasan.
Sa dalawang resolusyon na nilagdaan ng mga lokal na opisyal sa tatlong
bayan sa Sibuyan, ipinahayag nila ang pagtutol na magsagawa ng
metallic mining sa isla dahil maaapektuhan nito ang mayamang ecosystem
sa lugar.
Sa ulat na nakalagay sa news website ng Catholic Bishops' Conference
of the Philippines, lumagda sa Joint Resolution No. 1, ang mga lokal
na opisyal sa mga bayan ng Magdiwang, Cajidiocan at San Fernando,
upang hilingan kay Aquino na ideklara ang Sibuyan Island na ligtas sa
anumang “metallic mining" (maliban lamang sa pagmimina ng graba at
buhangin."
Ang Joint Resolution No. 2, ay para naman kay Environment Secretary
Ramon Paje upang hilingin sa opisyal na pawalang-bisa ang mga mining
permit na ipinalabas para sa pagmimina sa Sibuyan na binansagang
“Galapagos of Asia," dahil sa likas na yaman nito.
Sa Sibuyan matatagpuan ang Mt. Guiting-guiting Natural Park kung saan
naninirahan ang tinatayang 123 species ng puno. Sa naturang bilang, 54
sa mga ito ay dito lamang sa Pilipinas makikita.
“There are 700 vascular plant species, and 131 species of birds, and
many mammals and rodents still yet to be catalogued," ayon sa nasabing
ulat.
Kamakailan ay nagtungo sa tanggapan ng Department of Interior and
Local Government ang mga lokal na opisyal ng Sibuyan upang hilingin na
igalang ang kanilang pasya na maging malaya ang isla sa anumang mining
activities.
0 comments:
Post a Comment