Sunday, September 12, 2010

High school student patay sa silver cleaner

Makalipas ang apat na araw na pagkaka-confine sa
ospital, namatay rin ang isang 15 anyos na estud­yante matapos na
umino­m ng silver cleaner noong Set­­yembre 5, sa San Andres, Malate,
Maynila.

Ayaw nang paimbestigahan pa ni Ginang Jocelyn de Leon, ang pagka­matay
ng anak na si Anna Marie Shane, 3rd year high school student at
re­si­dente ng #919-C San Antonio St., San Andres, Malate, Maynila.

Nadiskubre umano ng ina ng biktima dakong 11:30 ng hatinggabi noong
Set­yembre 5, ang anak na nakahandusay sa ikalawang palapag ng
kanilang tahanan na bumubula ang bibig kaya isinugod sa Philippine
Ge­neral Hospital (PGH).

Kamakalawa ng gabi ay inireport ng security guard ng PGH sa
MPD-Homicide Section na patay na ang dalagita na agad namang tinungo
ni SPO4 Richard Lumbad.

Lumilitaw na napagalitan lamang umano ang biktima ng ina dahil sa
pagiging pasaway nito.

Ayon sa ina, madalas niyang sinasabihan ang anak at pinapangaralan
dahil sa sobrang barkada at pagi­ging liberated.

Posible umanong ikinasama ng loob ng biktima ang pangaral ng ina
hanggang sa ipasyang uminom ng nasabing kemikal.

0 comments:

Post a Comment