GABUNDOK na basura ang nakolekta sa Quirino Grandstand at Quiapo Church sa Maynila matapos ang selebrasyon ng pista ng Itim na Nazareno, ayon mismo ito sa environmental group na EcoWaste Coalition.
Ito ang mga basurang iniwan ng mga deboto ng Itim na Nazareno sa kabila ng apela ng grupo bago pa man ang pista na gawing “luntian” ang pagdiriwang.
“We were saddened by the widespread littering that practically turned Quirino Grandstand open field in Luneta into a dumping ground,” sabi ni Manny Calonzo ng Ecowaste Basura Patrol.
“Soon after the Black Nazarene procession left the Quirino Grandstand, we saw the open field littered with mixed biodegradable and non-biodegradable materials that waste pickers collected,” dagdag pa ni Calonzo.
Batay sa nakuhang impormasyon mula sa National Park Development Committee (NPDC), sinabi ng EcoWaste na may 200 hanggang 250 garbage bags ang nakolekta sa Luneta Park pa lamang kabilang na ang Quirino Grandstand.
Nabatid pa mula sa EcoWaste na sa dalawang araw na pagdiriwang sa Plaza Miranda at mga kalye sa Quiapo, naiwan ang tambak na mga basura na binubuo ng plastic bags, plastic bottles, Styrofoam containers, sticks, mga upos ng sigarilyo, balot ng candy at mga pagkain na itinapon lang sa kung saan-saan ng mga deboto.
Batay sa pagtaya ng Manila Department of Public Services (DPS)-Operation Division, umaabot umano sa 72 tonelada ng basura ang ikinalat ng mga deboto sa loob ng dalawang araw na selebrasyon ng pista ng Itim na Nazareno.
Pinapurihan naman ng EcoWaste ang mga pumulot ng kani-kanilang basura, gayundin ang mga vendors na tumulong sa paglilinis upang mapanatili ang kagandahan ng Luneta at Plaza Miranda.
0 comments:
Post a Comment