Sa loob lamang ng mahigit sa dalawang buwan ay pito katao na ang naitalang nasawi dahil sa aksidente at sadyang pagkakainom na silver jewelry cleaner.
Ito ang nabatid kahapon mula sa ulat ng Ecowaste Coalition kung kaya sumulat at humihingi ng tulong ang grupo kay PNP chief Director General Raul Bacalzo ng tulungan sila para hulihin ang mga illegal na nagbebenta ng nakakamatay na silver cleaner solution.
Ayon kay Roy Alvarez, president ng Ecowaste Coalition, dapat ay gumawa ng agarang police operation laban sa mga tiwaling “silver jewelry shop” at mga tindahan na patuloy pang nagbebenta ng nakalalasong kemikal.
Ang silver cleaner, cyanide at iba pang toxic substances ay kabilang sa ipinag-utos ng Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) na bawal itinda sa mga tindahan pero patuloy umanong nilalabag ang nasabing kautusan.
0 comments:
Post a Comment