Thursday, November 4, 2010

Environmental group, umalma sa dami ng basurang iniwan ang local polls

Isang araw pagkatapos ng halalan, nagpaalala ngayon ang environmental
network na EcoWaste Coalition sa mga kandidato ng barangay at
Sangguniang Kabataan elections na linisin ang mga ginamit nilang
campaign materials.

Ayon kay EcoWaste Coalition president Roy Alvarez, nagkalat pa rin
umano sa mga polling centers ang mga leaflets, stickers, posters,
streamers at buntings na ng mga kandidato.

Babala ng opisyal, posibleng magdulot ng pagbaha ang nasabing mga
basura sakaling bumara sa mga kanal at drainage.

Hinimok din ng grupo ang mga incoming barangay officials na pangunahan
ang cleanup drive.

MMDA at Eco-Waste Coalition, umapela sa mga kandidato na simulan na
ang paglilinis sa nagkalat nilang campaign materials
Tuesday, 26 October 2010 09:21
http://www.rmnnews.com/beta/index.php/news/national/5217-mmda-at-eco-waste-coalition-umapela-sa-mga-kandidato-na-simulan-na-ang-paglilinis-sa-nagkalat-nilang-campaign-materials

UMAPELA ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority
(MMDA) sa mga kandidato na pasimunuan ang paglilinis sa mga nagkalat
na campaign materials sa kani-kanilang komunidad kaugnay ng pagtatapos
ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.

Ayon sa MMDA ang mga nanalo at mga natalong kandidato ay dapat
magtulungan na simulan ang clean-up drive at huwag nang antayin ang
mga otoridad para itapon ang mga ito.

Kaugnay nito nanawagan rin ang green advocates group na Ecological
Waste Coalition (Ecowaste) ang agarang pagtatanggal sa mga naglipana
na leaflets, stickers, posters, streamers.

Pangamba ng Ecowaste na posible itong maging dahilan ng pagbabara ng
mga daluyang tubig kung hindi bibigyan ng atensyon lalo na ngayong
panahon ng tag-ulan.

Partikular namang ipinanawagan ng grupo ang kampanya sa paglilinis sa
mga nanalong kandidato.

0 comments:

Post a Comment