IPINABABAWI ng isang toxic watchdog sa pamahalaan ang baby feeding bottles na may taglay na toxic substance na bisphenol A (BPA) na umano’y delikado sa mga sanggol.
Umapela ang grupong EcoWaste Coalition kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III na sundan ang ginawa ng European Union, na ipinagbawal ang paggawa ng baby bottles na may BPA, simula nitong Marso 1, 2011.
Inatasan na rin ng EU ang member states nito, sa ilalim ng European Commission Directive 2011/8/EU, na ipagbawal ang pagbebenta ng BPA-added plastic materials at articles na maaaring magkaroon ng kontak sa mga pagkain, simula sa Hunyo 1, 2011.
“We call upon P-Noy to follow the EU example and waste no time in banning BPA-laced baby bottles from being produced and traded in the country,” ayon kay Velvet Roxas ng Arugaan, isang breastfeeding advocate at steering committee member ng EcoWaste Coalition.
“P-Noy, just like the Europeans, can invoke the precautionary principle in justifying its tough action against BPA if only to protect helpless babies and toddlers from being exposed to this substance,” dagdag pa ni Roxas.
Nabatid na ang industrial chemical na BPA ay ginagamit sa paggawa ng polycarbonate plastics, na siya namang ginagamit sa paggawa ng plastic products, na may label na “PC” o numerong “7,” pangunahin na ang infant feeding bottles, water bottles at food containers.
Ayon sa EcoWaste Coalition, lumitaw sa isinagawang pag-aaral ng health experts ang pagkakaroon ng mapanganib na epekto ng BPA sa oras na mainitan ito, lubha umano itong delikado sa mga sanggol na sa unang anim na buwan ng kanilang buhay ay nakadepende sa plastic bottles.
Nabatid na ang mataas na exposure sa BPA ay posibleng maging sanhi ng mabagal na development ng isang sanggol.
Nanawagan rin si Roxas para sa isang mas agresibong promosyon ng breastfeeding para sa kalusugan ng mga sanggol.
0 comments:
Post a Comment