Wednesday, May 4, 2011

‘Basura non grata’

A persona non grata is a person who is not acceptable among a certain group of people.

The current showbiz talk involving an actress-turned-politician and a town mayor of Bulacan is that the mayor reportedly filed a case against the actress-politician.

The town mayor is reportedly being supported by a number of mayors who have declared the actress-politician as persona non grata in Bulacan.

Ang bilis tumulong ng mga mayor na nakiisa sa mayor ng Bulacan, Bulacan Patrick Meneses na siyang naghabla sa actress-politician, ayon sa mga balita sa TV at pahayagan.

Naging isa sa mga panauhin namin ang noon ay pangalawang alkalde pa lamang ng kanyang bayan na si Meneses sa isang kumperensya para sa Inang Kalikasan sa Malolos Paradise Resort, Malolos Bulacan, noong Agosto 2007. Ang tema ng kumperensya ay “Tungo sa Maka-kalikasang Komunidad at Kabukiran.”

Isa rin sa mga dumalo noon ay si Calumpit Mayor James De Jesus na siyang nagpapatupad ng zero waste ngayon sa kanyang bayan. Sa Calumpit din isinasagawa ang organikong pagtatanim sa ilang mga barangay.

Mabuhay si Calumpit Mayor James De Jesus!

Malaki ang pasasalamat ng Bangon Kalikasan Movement kina De Jesus at Meneses sa pagpapaunlak noon sa aming paanyaya. Ngunit pagkaraan noon ay hindi ko na nasubaybayan ang maka-kalikasang pamamahala ng mga tira-tirang bagay sa Bulacan, Bulacan.

Ang munting tagumpay namin ay ang pagsasagawa ng mga magbubukid ng organikong pagtatanim sa bayan ng Bulacan. Hindi ko na rin namalayang naging alkalde na si Patrick Meneses.

Naiisip kong kaybilis ng mga alalayan ‘ika ng mga mayor ng Bulacan pagdating sa katulad nitong usapin na umiinog sa isang kasamahan na nasangkot sa isang showbiz personality. Nahiling ko sa sarili na sana’y ganito rin kabilis ang pagtugon nila sa lumalalang krisis sa ating kalikasan na ipinamukha na sa atin ng mga bagyong Milenyo, Ondoy, at Pepeng.

Bagaman may pagsisikap na ginagawa na linisin ang mga ilog ng Marilao, Bocaue , Obando, Valenzuela at isama na ang ibang ilog tulad ng Bustos, Angat, Malolos atbp., kailangang makatotohanang ipatupad ng mga mayor ang Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Mangement Act at ang Clean Air Act na matagal nang “nagmumulto” sa lalawigan ng Bulacan dahil sa hindi o kaya’y ganap na pagsasara ng mga tambakan ng basura na ang iba’y nasa tabi ng mga ilog ng Bulacan, at sa patuloy na paghantong sa pagiging ‘kumunoy” ng mga kailugan ng lalawigan.. Huwag nating hayaang maganap ang bagay na ito.Dahil sa kalupaan nanggagaling ang mga basurang napupunta sa ilog.

Dapat ideklara ng mga mayor na ito ang ‘basura non grata’. Garbage and dumpsites should not be acceptable in the province of Bulacan. During her time, former governor Josie Dela Cruz had forwarded to the Provincial Board a proposal from the EcoWaste Coalition to transform the province into a Zero-Waste Bulacan. This should be pursued.

The call for Zero-Waste Bulacan has been going on for several years, but sadly, only Calumpit and a number of barangays in different towns in the province have realized that they can live without dumpsites and can even help mitigate climate change or global warming.

Dati’y hindi ako naniniwala na marunong gumanti ang Inang Kalikasan sa kahit anumang paraan dahil sa paglapastangan ng tao sa kanya.. Ngunit pagkaraan ng Ondoy at Pepeng, parang gusto ko nang maniwala sa kasabihang ito.

Huwag nang makipaglansihan pa sa Inang Kalikasan. Napakaganda ng lalawigan ng Bulacan. Ipagtanggol at ibangon natin ang patuloy na nasasalaulang kagandahan nito.

0 comments:

Post a Comment